Monday, November 16, 2015

Pwede Ka Ba Maging Leader?

Napakaraming tao sa mundo ang ginagawang palusot sa hindi pagtatagumpay sa buhay ang paniniwalang wala silang leadership skils. Mahiyain daw sila. Mababa daw ang confidence. Follower lang daw sila. At kung anu-ano pang palusot para lang hindi gawin ang lahat ng nararapat para magtagumpay.


Pero alam mo kaibigan? Naniniwala akong ipinanganak ka para maging lider. May inborn leadership skills ka. Malamang hindi mo alam pero isa kang lider. Aminin mo man o hindi, malaki ang potensiyal mo para mamuno.

You were born to lead the most important person in your life…. YOU!


Maaaring hindi ka maging pinuno ng isang malaking kumpanya. Maaaring hindi ka maging politico. Maaaring hindi ka maging pinuno ng isang malaking organisasyon. Pero sigurado akong kaya mong pamunuan ng mahusay ang iyong buhay.

Ang tanong lang ngayon ay kung pati ba sa sarili mong buhay ay pinapaubaya mo pa sa ibang pamumuno.

Sino ang in-charge ng buhay mo ngayon? Ang magulang mo ba? Ang asawa mo? Mga katrabaho? Ang iba’t ibang circumstances sa buhay mo?

Sino ang nagpapatakbo ng buhay mo?

You were born to lead yourself!

So start taking action by removing negative thoughts sa isip mo. Most of the time yan ang nakakapigil sayo para mag-take charge ng buhay mo.

Here are some tips paano ka magiging leader ng buhay mo:


LEAD YOURSELF TO HAPPINESS
                Ang kaligayahan mo ay hindi nakasalalay sa ibang tao. Ikaw at ikaw lang ang magdidikta kung magiging masaya ba ang buhay mo o hindi. Decide now na magiging happy ka with whatever circumstances na darating sa buhay mo. You are given choices. It’s up to you if pipiliin mo.

LEAD YOURSELF TO FULFILLMENT
                Choice mo din kaibigan kung magiging fulfilled ang buhay mo. Alamin mo kung ano ang mga goals mo sa buhay. Isulat mo. Palagi mong basahin. Gawin mo lahat ng necessary things to reach those goals. Lead yourself to stick to your plans when the excitement of achieving your goals has already left you.

LEAD YOURSELF TO HEALTH
                Natawa ako noon nung nabasa ko ang kwento ng isang customer ng isang fastfood chain na idenemanda ang restaurant dahil naging obese siya kakakain ng French fries na tinda nito. Marami satin ang ganito. Isinisisi sa iba ang pagkakasakit nila. Guys, tayo ang may choice kung ano ang ipapasok sa katawan natin. Ibig sabihin tinggap natin kung ano man maging consequence ng mga ito. If you want to be healthy, commit to be healthy. Kahit gaano kahirap mag-disiplina ng sarili, gawin mo.

LEAD YOURSELF TOWARD YOUR VISION
                Most of the leaders in history, if not all, have one thing in common. They all have a vision of what they want the future to be like and they work for it. Actually, we all have a vision of the future. Kahit siguro sinong tao ay nakikita ang gusto niyang mangyari sa hinaharap sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. Pero ang kaibahan ng mga leaders sa karamihan, aside from the vision of the end goal, nakikita din nila ang iba’t ibang daan kung paano makakarating sa goal na yun. At kahit gaano pa kahirap ang nakikita nilang pagdadaanan, nakapako pa rin ang tingin nila sa vision kaya’t tinatahak pa rin nila ang mahihirap na mga daang ito.

LEAD YOURSELF INTO GREATNESS
                Don’t be contented with mediocre performance. Strive for greatness in everything that you do. Develop a work ethic that will make your yesterday’s performance look mediocre compared to your performance today. Hindi naman overnight success ang greatness. Tinatrabaho ito over a long period of time with consistency and a clear vision. Decide to be great today!

LEAD OTHERS TO DO THE SAME ALONG THE WAY
                The moment na maging leader ka na ng buhay mo, magsisimula nang magradiate ang leadership mo sa maraming tao. Your job now is to be a model and a positive influence to other people to be leaders themselves. People will start to see that if kinaya mong pamunuan ang iyong sariling kapalaran, magagawa din nila ito.

                Ikaw at wala nang iba pa ang matagal mo nang hinihintay na powerful leader na magdadala sa’yo sa tagumpay. It’s time to act now. You are a born leader!


                It’s your time to lead!

Like, Comment, Share.

FREE Video reaveals 3 Simple and Easy-to-Follow steps how to make money online in a legitimate, ethical and moral way.


Click the button below to access the FREE video.



No comments:

Post a Comment