Tuesday, October 13, 2015

My Two Faces of Mothers' Day

I can still remember a year ago, mothers' day din nun. when the priest called all moms to go to the front for a special blessing, I can't hold back my tears because that was the time na nadiagnose mom ko with endometrial cancer. Ang tumatakbo sa isip ko nun was,"Bakit?".


Ang daming "Bakit?". Wala ako maintindihan nun sa sinasabi ng pari kasi preoccupied isip ko ng mga bagay na dapat asikasuhin. unang una, saan ako kukuha ng pera pampagamot sa nanay ko? Wala pa nun quotation magkano magagastos but talagang hirap na hirap ako mag source out. I don't want to lose my mom. Ever since kaming dalawa lang magkasama sa buhay. Buti na lang very supportive napangasawa ko kaya may natira pang lakas sakin. 


Kanina, habang pinapapunta ulit ng pari sa unahan mga nanay, I was trying my best not to cry but I cant pa rin. But now, iba na nasa isip ko. Puro na lang "Thank You!". Thank you sa additional time na pinahiram samin ni Lord para makasama pa nanay namin. Thank you kasi sa dami ng nagreject sakin nung naghahanap ako ng pera pampagamot sa kanya, marami ang lumabas na tunay na nagmamahal sa kanya. At maraming salamat sa mga Angels na dumating sa buhay namin. Sila ang pinadala ni Lord sa pamilya namin during those times na down kami at sinukuan na namin ang aming mga pangarap dahil sa patong patong na mga challenges.

The Lord really sends His messages in very mysterious ways. When you give up during the dark times, you'll never see the light flickering at the end of the tunnel.

No comments:

Post a Comment