Tuesday, October 13, 2015

Bakit May mga Hindi Nagtatagumpay sa Network Marketing?

By: Coach Rommel Marquez
Noon takot na takot akong pumasok sa mundo ng networking. Akala ko mahirap ang gawain ng isang networker. Akala ko madali malugi dito. Akala ko hindi totoo ang mga pinapangako nila. At akala ko walang nagtatagumpay dito.
Puro pala ako akala! Hindi ko naisip na ang negatibo kong isipan ang pumipigil sakin upang maging successful sa industriyang ito. Hindi naman pala ganun kahirap, pero hindi rin ganun kadali. wala naman palang nalulugi dito if lehitimong company napasukan mo. Totoo naman pala mga pangako ng industriya lalo na ang time at financial freedom. Subalit, sa pagtatanong tanong ko, hindi pala lahat ay pwedeng magtagumpay dito. May mga nagpe-fail.
Ayon sa mag asawang Yarnell, author ng "Your First Year in Network Marketing", May dalawang bagay daw na madalas ay nagiging dahilan ng failure ng isang network marketer.
First, the distributor's argumentative approach in recruiting frontline people who have already made it obvious that the timing isn't right in their lives.
Noong nag uumpisa ako, ganito ako. nakikipag talo ako sa prospect kapag ayaw nya. to the point na nagagalit na sakin ang mga tao. Ayaw na nga pinipilit ko pa. sabi nga nung mentor ko, ngarag daw ako makipag usap. Buti na lang may nagturo sakin pano gawin ng tama ang negosyo. Kung hindi, malamang isa na ako sa mga nagquit dahil sa pagiging argumentative.
Second reason, The mistaken belief that the goal is to overcome objections, sign up people at all costs, then drag them across the finish line through motivation and management systems.
Naalala ko noon nung nirerecruit ako ng ibang kumpanya, inis na inis ako kasi lahat ng sabihin ko may pangontra siya. Di pa nga ako tapos magsalita, ratatatat na siya. Naramdaman ko na para akong sinasakal at hinoholdap! Buti na lang yung nag invite sakin sa busines ko ngayon ay naiparamdam sakin na kaibigan siya na nag oofer ng tulong sa kalagayan ko noon at hindi ako binebentahan upang kumita siya. I found a friend kumbaga kaya walang kaabog abog nag join ako. Later ko na nalaman na ganung pala ang culture na gusto iimplement sa team namin ng pinakamentor namin. Huwag mang harrass. ang gawain lang natin ay ilatag ang facts at tulungan ang prospect gumawa ng informed decision.
So kung ikaw ay nasa MLM industry at ginagawa mo yung dalawang binigay nina Yarnell, time to change na siguro. Malay mo yun lang pala nakakasagabal ng pag asenso.

If you want to learn the basics of Online Marketing, nagbibigay kami ng mga business partners ko ng FREE TRAINING.

Click the button below to gain instant access.





No comments:

Post a Comment