Saturday, October 24, 2015

7 Powerful Tips on Handling Rejections


Hello guys! I hope you’re doing great today. I-share ko lang sa’yo itong nabasa ko na sa tingin ko ay makakatulong sa business mo. May mga inputs na rin akong nilagay dito galing sa mga experiences ko sa aking MLM journey.

Marami kasi tayong mga kapatid na nawawala na lang sa industriya natin dahil nakaranas ng rejection. If magagawa lang nating ma-handle ng mabuti ang mga rejections na dumarating sating MLM career, magiging madali para sa'ting mahanap ang ating mga superstars.

Maraming klase ng rejection subalit ang pinakamasakit ay yung galing sa mga pinaka-close satin lalong lalo na ang ating pamilya. Sana makatulong sa'yo ang article na ito.

Happy reading!


     HUWAG MONG PERSONALIN ANG REJECTION
-          Hindi mo kasalanan yun. Madalas na-rereject tayo ng mga prospects natin dahil hindi pa lang tama ang timing natin nung in-approach natin sila.

     ALWAYS THINK POSITIVE
-          Baka nareject ka dahil ayaw ni Lord ibigay sa’yo ang taong yun dahil baka magiging sakit ng ulo lang ang taong yun sa business mo. Isipin mo na lang na ang pagkakareject sa’yo ay blessing in disguise.

       ALAMIN MO KUNG TOTOO BA ANG REJECTION
-          Minsan narereject tayo dahil may hindi lang naintindihan ang prospect pero sa kaloob looban niya ay interested naman talaga. Pero may mga pagkakataon din na talagang ayaw ng prospect. Ok lang yan.

     MAHALIN MO ANG SARILI MO
-          Huwag mo namang gawing hobby ang rejection. Remember tao ka ring may puso’t damdamin. Sabi nga sa cartoons, “LET IT GO”. But be optimistic with the future.

     MANIWALA KA SA SARILI MO
-          Lagi mong alalahanin na mas gusto ng mga tao ang totoong ikaw. Huwag kang magpapanggap. Pero mas gugustuhin ng mga tao ang BEST na IKAW!

        MANIWALA KANG LAHAT AY NARE-REJECT
-          Kahit ang mga bigtime earners sa mundo ng MLM ay narereject pa rin. Kaya hindi ka nag-iisa kapatid. You’re in good company. Kahit si Jesus nga nareject di’ba?

      BUMANGON KA AT SUMUGOD MULI
-          Huwag mong titingnan ang iyong rejection as a sign of failure. Remember the SW4 rule. Some Will, Some Wont, Some Wait, So What! Next! Bangon! Sugod!

Kapatid, hindi ang rejection ang magpapahina sa’yo, kundi ang reaksiyon mo sa mga rejection na ito. Kung magiging positive ka lang at magiging confident na kaya mo ang mga bagay na ito, maraming magagandang bagay ang posibleng mangyari. Huwag kang susuko kapag nadapa ka. Tayo! Huwag kang panghinaan ng loob. On the contrary, magsaya ka nga kasi nakahanap ka na naman ng isang paraan pano hindi maging successful. At sa susunod na pagkakataon ay hindi mo na ito gagawin. Kaya’t kahit ilang “NO” ang dumating, Ok lang yan. Mas lalakas ka sa bawat rejection nay an in preparation for a brand new you!

Kung nagustuhan mo ang mga nai-share ko sayo, please don’t forget to click LIKE. Magcomment ka rin if may mga reactions o tanong ka. You can also share this to your friends para mas marami pa tayong matulungan.

If you’re struggling in your networking business, I can help you with my free training on Online Marketing. 

Click here to learn some SECRET TECHNIQUES for FREE! 



No comments:

Post a Comment