Monday, November 16, 2015

Pwede Ka Ba Maging Leader?

Napakaraming tao sa mundo ang ginagawang palusot sa hindi pagtatagumpay sa buhay ang paniniwalang wala silang leadership skils. Mahiyain daw sila. Mababa daw ang confidence. Follower lang daw sila. At kung anu-ano pang palusot para lang hindi gawin ang lahat ng nararapat para magtagumpay.

Saturday, November 14, 2015

How to Really Help Others

Napakarami akong nakikitang mga taong tumutulong sa kapwa. Milyon milyon ang binibigay nila sa mga mahihirap. Alam mo kung paano ko nalaman? Siyempre dokumentado nila. Nakavideo pa nga. At siyempre may kapalit ang kanilang pagmamagandang loob. Ang magkaroon ng pagkakataong umupo sa isang napa-espesiyal na upuan na inaasam ng napakarami. Pero para sakin, ang totoong pagtulong sa kapwa ay hindi humihingi ng kapalit at hindi kailangang marami ang makaalam. Sa video na ito, very inspired ako kasi sa malilit na act of kindness, napaganda at totoong mga ngiti ang kapalit.

Paano Yumaman? (Sikreto ng mga Milyonaryo)

Paano nga ba yumaman? Tanong ng marami sa'tin ngayon. Nagta-trabaho naman ng masipag. Minsan sobra pa nga sa oras na dapat magtrabaho. Ginagawang araw ang gabi. Nagsusumikap naman. Nagbabanat ng buto. Pero bakit parang hindi umuusad? Nababaon pa nga sa utang. Relate? Alamin sa video na ito kung ano ang sikreto ng mga milyonaryo kaya't naabot nila kung asan sila ngayon.

Magic of Smile

May napanuod akong video na very inspiring. Come to think of it napakarami na satin ngayon ang nakakalimot ngumiti. Sa gitna ng napakaraming problemang sumasalubong satin araw araw, parang pag ngiti ay nasa hulihan na ng priorities natin. Watch this video and start smiling at your problems again... Life is good! Smile!

How to Become a Billionaire: The Mark Cuban Story

I know this guy bilang lalaking palaging nasa likod ng bench ng Dallas Mavericks. Curious na ako sa kanya noon pa kasi siya ang pinakaapektado kapag may mga magulong tawag ang mga referees kina Nowitzki. Akala ko siya biggest fan ng mavs. Siya pala may-ari! Very inspired ako sa video ng kwento ng buhay niya. Discover how he rose from being a business minded student to a controversial businessman until he became a member of the BBC - Billionaire Boys' Club.

Makulit Ba Nanay Mo?

Nung una kong napanuod itong video na ito, naalala ko gaano kakulit ang nanay ko. As in sobra. Yung tipong minsan maiinis ka. Relate ka ba? Nangyari na rin ba sa'yo ito? Pero nung tinapos ko yung video naunawaan ko kung bakit sila makukulit. Panuorin mo rin ng buo itong video para matuklasan mo bakit nga ba makulit ang mga nanay.
No words to express how much I admire this guy. Simply awesome. The dedication, hardwork, persistence and consistency na binuhos nya para mareach nya goal niya is really impecable! Watch this and tell me if you're not inspired...

Noong Bata Ka Pa

Noong mga bata pa tayo malaya nating pinatatakbo ang ating imahinasyon. Walang imposible para sa'tin.  Naniniwala tayo na kahit ano ay kaya nating gawin. Naniniwala tayong maabot nating anuman ang ating mga pangarap. Bakit nagkaganun? Nung tumanda tayo nawala ang ganung tapang? Tapang ng isang inosenteng bata. Napuno tayo ng napakaraming "Baka". Baka hindi ko kaya. Baka mahirapan ako diyan. Baka di ako magtagumpay... Sa video na ito alamin natin... "ANYARE"?

Babala Laban Sa Salisi Gang

Sa hirap ng buhay ngayon, mas mahirap kung ang pinaghirapan mo ay makukuha pa sayo ng mga naglipanang kawatan sa paligid. Mga kawatang walang ginawa kundi manlamang sa kapwa na nagpapakahirap para sa mga pamilya nila. Iwasang maging biktima ng mga grupong ito. Sa video na ito ipinapakita ang iba't ibang mga styles ng salisi gang. 

Ang Tsinelas... Bow..

Kung ang pagtulong sa kapwa ay magsisimula sa pagkabata pa lang, lalaki siyang likas na matulungin at magiging positibong inspirasyon sa mundo. Subalit kakailanganin niya ng napakalaking tulong mula sa kanyang mga magulang. Sa video na ito naipakita ang resulta ng tamang pag-gabay ng isang magulang sa kanyang anak. 

How to Prepare Your Children for the Future?

Nang napanuod ko itong video na ito, lalo akong namotivate turuan ang anak ko ng mga necessary skills na kakailanganin niya kapag nasa outside world na siya. Para sakin kasi hindi naman sukatan ang pagiging magaling sa eskwela ng isang estudyante para maging successful siya sa buhay. Although kailangan din yun. Dapat madiskarte din siya. Watch this video and let's all help prepare the next generation for the future that awaits them kapag wala na tayo.

Friday, November 13, 2015

Basic Online Marketing: The Sales Funnel

Dito sa video na ginawa ko for you, malalaman mo kung ano ang mga basic aspects ng isang online marketing business. Pwede mo itong magamit sa kahit anong business pa na meron ka. Sa hulihan ng video, malalaman mo din kung paano ka magkakaroon ng system na ito ng LIBRE! Oo! FREE! So watch the video 'till the end.

Offline VS Online?

Matagal nang debate ng mga networkers ito. Alin nga ba ang mas maganda at naaangkop sa business mo, marketing offline or online? Watch my video about this controversial topic.

Hanga Ako sa Taong 'To!

Nakakita ka na ba ng taong sobrang tigas ng ulo? As in ipipilit at ipipilit ang gusto nya kahit nasasaktan na siya? Naku bibihira na siguro ang ganun! Pero marami akong kilala na konting sakit pa lang ayaw na at suko na. May kilala ka bang ganun? Sa video na mapapanuod mo, makikilala mo ang taong ito na talaga namang nagpahanga sakin. Simpleng bagay lang ang gusto nyang gawin pero talagang hindi niya tinigilan hanggat hindi nakukuha ang tamang diskarte. Watch this...

Employment or MLM? Alin Nga Ba?

Dala ng tuloy tuloy at ayaw paawat na paghihirap ng bansang Pilipinas, marami sa ating mga kababayan ang namumulat at pinapasok ang mundo ng Multi-Level Marketing o MLM o mas kilala sa tawag na Networking. Kung susumahin lahat ng mga kasagutan kung bakit nila ito pinasok, malamang napakataas ng porsiyento na ang magiging kasagutan ay dahil kulang pa rin ang sinasahod buwan buwan mula sa kanilang mga trabaho. Pero alin nga ba dapat ang piliin sa dalawa? Employment o Networking? Sa video na ito, ibabahagi ko sainyo ang aking opinyon tungkol sa topic na ito. Sana makatulong sayo. Watch the video.

Magkaisa! Magsama sama!

Natuwa ako sa pagkakagawa ng video na ito. Truly, there's strength in union. Sana mapanuod ito maraming Pilipino para sama sama na tayong umasenso at wala nang maiwan. Enjoy the video and make it your decision to join the fight for freedom! SUGOD!!!!!

How to Create Interest When Prospecting?

One of the important skills in network marketing is creating interest during prospecting. Part ito ng marketing strategy na ginagamit nating mga networkers. especially yung mga offliners. Prospecting should be part of our lifestyle and to do that, people should see something of interest satin when they see us. In this video, magbibigay ako ng mga practical tips kung paano ka makakapag-create ng interest sa mga kausap mo on a day - to - day basis.

How to be a Daddy: Rock n' Roll Style!

Sino magsasabi na kapag nag-alaga ka ng anak e magiging feminine ka na? Di totoo yun! Panuorin mo ang video na ito at matuto kung pano maging certified Daddy, Rock N' Roll Style!

Powerful Words from Nick Vujicic

Kilala mo ba si Nick Vujicic? Ako noon, hindi. Pero nung nakilala ko siya nagbago ang tingin ko sa buhay. Akala ko noon madami akong kakulangan at hindi kayang gawin kaya't mahihirapan ako magtagumpay sa buhay. Noon napanood ko ito, sobrang nahiya ako sa sarili ko. Panuorin mo ang video na ito at maiintindihan mo bakit ko naramdaman yun. 

Sinungaling si Daddy!

Bilang isang Daddy, damang dama ko ang video na ito! Tama ang nandito. Gagawin ng isang ama ang lahat para masigurong masaya at maginhawa ang kanyang anak. Agree ba kayo mga kapatid? I-ready ang mga panyo! Hahaha!

Go! Fail Some More!

Magandang araw sa inyong lahat. Today, ipapakita ko sa'yong ok lang ang madapa at mag-fail paminsan minsan. Hindi sukatan ng tagumpay ang hindi pagkakaroon ng mali sa buhay. Hindi naman ibig sabihin nag-fail ka ay forever ka nang failure! 

Sobrang inspired ako sa story ng mga mapapanuod mo dito sa video na ito. Sana ganun ka din. Learn from their failures. Go make some of yours too.

An Entrepreneur's Story

Hello there! I-share ko lang sayo itong napanuod kong video. It's very inspiring. If you are an entrepreneur or aspiring to be one, watch this. Most of the time ang nakikita lang ng mga tao ay ang success ng isang entrepreneur. Hindi nila nakikita ang hirap sa likod ng tagumpay. Kaya't kung nahihirapan ka ngayon sa business mo, ok lang yan. Most of the successful people in the world ay dumaan din sa napakaraming pagsubok sa buhay. Kaya't kapit lang. Kaya mo yan. Focus ka sa end goal mo. Alam ko kaya mong marating mga pangarap mo. Go!

4 Tips on How to Find Your Network Marketing Leaders

Maraming mga pumapasok sa industriya ng network marketing o Multi-level marketing ang nag-iisip na para kumita ka ng malaki dito ay dapat madami kang mabentahan ng mga produkto mo. Marami sa atin ang may mindset na dapat makabenta para maging successful. Pero kung ating iisipin, oo, dapat kang makabenta kasi nasa mundo tayo ng sales but selling alone will not make you rich in this industry. There’s more to network marketing than just selling.