O! Relax! Title lang yan. Huwag maalarma. Hindi pa ako magku-quit and never ako magku-quit! Pero seriously, muntik na mangyari yan sakin nung nag uumpisa pa lang ako sa network marketing business ko. At iisa isahin ko sa article na ito anu - ano yung mga pinaggagawa ko at umabot ako sa puntong yun.
Not so long ago (6 months pa lang), naburn out na ako sa aking MLM business. Tipong, Ayoko na! Tama na! Enough!
Kasi naman, kakaumpisa ko pa lang sa business, gusto ko na agad maramdaman yung promise ng industriya natin na time and financial freedom. Natatawa na lang ako ngayon kasi para pala akong bata na napangakuan ng candy. Di ko naisip na ang mga talagang successful dito ay inaral ang negosyo at nagtrabaho talaga until a new and improved person came out of their own "self cocoon".
Sinulat ko itong article na ito para sa aking blog dahil gusto ko na mainform ka sa mga posibleng pitfalls na pagdadaanan mo kung nag uumpisa ka rin lang sa business na ito o kung ikaw naman ay nagbabalak na pumasok sa industriyang ito. Goal ko na makatulong kahit sa maliit na paraan sa mga pinoy networkers. Siyanga pala, ang mga ikukwento ko sayo dito ay totoong nangyari sakin noong nagsisimula pa lang ako. Kaya tagos sa puso at madrama ang iyong mga matutunghaya! (Naks)
1. Gusto Ko Agad Kumita at Mabawi Kapital Ko. Noong pumasok ako sa MLM industry, baon ako sa utang dahil sa cancer ng nanay ko. Pero nakitaan ko ng benefit yung produkto ng company namin kaya nag package ako. Nung naideliver yung products sa bahay, natulala ako. maghapon kong tinitigan yung mga karton. Naglalaro sa isip ko ang tanong na "Tama ba ginawa ko?". Di ko naman pwede ibenta kasi kailangan nga ng nanay ko yung products. Pano kakain pamilya ko? Isa lang paraan na natitira. Mag sponsor ng business partners. Ang mindset ko nun sa mga kinakausap ko, "Sana sumali 'to para kumita ako at mabawi ko pinang join ko."
2. Naniwala na Di Ko Kailangan ng Training. Ang yabang ko!!! Imagine kakaumpisa pa lang ayaw magtraining. Isip ko nun madami ako accomplishment sa past endeavors ko at magaling ako. Sabi ko sa sarili ko kaya kong gawin ang business with my own knowledge and skills. Oo, nag aatend ako ng trainings but nag iisip pa rin ako palagi pano ko gagawin ang business on my own terms. It turned out na wala pala akong alam. Nakakahiya!
3. Naglaan ng Sobrang Daming Oras Para Magbasa ng mga MLM Books. Dumating yung point na nararamdaman ko na hindi kaya ng mga previous knowledge ko yung negosyo ko kaya I started looking for sources of knowledge. But since talagang bookworm ako, pagbabasa naman ng mga MLM books ang napagbalingan ko. Nakalimutan ko na wala pala silbi yun kung di mo i-aaply. Basa na lang kasi ako ng basa. I'm not saying na mali magbasa ng mga books kasi tinuturo naman talaga yun ng mga mentors. What I'm saying is yung mga suggested books ng mga mentors ang basahin kasi madami ang books na kung anu - ano ang laman. Huwag mag - self madicate! At ang mga matututunan, iaply!
4. Madami Kinausap, Napagod, Namili ng Kausap. When I started, grabe fire ko. Sabi ng mentors, talk to 3 - 5 people a day. Sakin 10 a day! Lahat ng makita kong may buhay kakausapin ko. But there came a time na napagod ako. Dalawang rason bakit ako napagod. Una, Inborn kasi akong tamad and I love siesta. Second, nung hataw ako ng hataw, wala ako nakikita resulta. Nafrustrate ako. Ginawa ko namili ako ng kausap. kumonti kausap ko. Ang masakit, yung mga pinili kong huwag kausapin, nakikita ko sa mga presentations namin, nag - join na!
5. Takot Mareject. Bago ako pumasok sa networking industry, sanay ako na tinitingala ng mga kamag-anak, kaibigan at kakilala. So, napalaking challenge sakin yung pagtawanan ako ng mga kakilala ko at sabihan na hindi sila interesado makipag partner sakin sa business ko. Kaya kapag may kausap ako parang nauutal ako kapag sasabihin ko na details ng business. Takot ako sa sasabihin nila. Nagkaroon ako ng maraming guni - guni.
6. Galit Pag Nareject. Naalala ko, the first rejection na naranasan ko is from my cousin. Very close kami nun. Pero nung inintroduce ko sa kanya yung business, nag-uumpisa pa lang ako, pinagtawanan nya ako. Pinag - aral daw ako tapos eto gagawin ko. Grabe sakit nun! Smile pa rin ako pero parang dinudurog puso ko. Pag uwi ko, Kinwento ko agad sa family ko. nakisimpatya naman sila at ang unanimous decision namin is huwag na siya pansinin at ituring na outcast sa pamilya. Ang nakakatawa, one day nakita ko siya sa isang presentation namin. Ako nagpresent. Ayun sumali siya. Sa iba nga lang!
7. Nagmumukmok Kapag Nai-indian ng Prospect. Katrabaho ko unang gumawa nito sakin. Habang nag uusap kami ok naman. Excited siya. Clear usapan namin. Pero nung oras na susunduin ko na siya, aba ayaw na at maglalaba daw siya! Umuwi ako agad nun. Pumasok sa kwarto. Tinanong ako ng asawa ko anu nangyari. Sabi ko masakit ngipin ko.
Ilang beses pa nangyari yung ganun. Yung tipong "out of coverage area" sila kapag may presentation.
8. Pushy Salesman. Naku eto ang pinaka naging dahilan bakit kumonti kaibigan ko. Ang kulit ko! May mga pinupuntahan ako sa bahay nila ng walang pasabi. kahit may ginagawa sila wala akong pakialam. Kahit nakakaistorbo ako, diretso ang presentation. Malolow bat talaga CP ng prospect sa text at tawag ko. Ang mindset ko kasi dapat mabentahan o mapajoin ko siya para kumita ako.
9. Money over Helping. Since nga ang turing ko sa business ko ay sideline, lagi ko iniisip na dapat kumita ako. Wala ako pakialam kung ramdam ba ng prospect ko na matutulungan ko siya o hindi. Go pa rin ako. Hataw lang ng hataw! May mga times na natapos kong kausapin ang tao nang di ko alam kung ang need nya ba talaga ay yung product o business.
10. Nakikita ng Pamilya Ko Frustrations Ko. One day galing ako sa madaming prospects. Since di pa ako marunong nun, puro rejections inabot ko. Bagsak balikat ako pagdating ko sa bahay. Then, nakita ko yung asawa ko na umiiyak. Di ko alam bakit. Nung tinanong ko siya, awang awa na daw siya sakin and nung araw na yun nawalan pa siya 500 pesos kaya talagang hagulgol siya. Lumapit naman samin yung anak namin. Nung nakita na umiiyak mommy niya, umiyak na din siya sabay tanong kung bakit umiiyak mommy nya.
Lahat ng ito itinuturing kong stepping stones kaya nagkakaresulta na rin ako sa busines ko. Hindi ko ito sinulat para takutin ka. Network Marketing is not a hard thing, but it's also not easy. Especially kung gagawin mo ito on your own. Maghanap ka ng mentor na mag gaguide sa journey mo.
Sa mga susunod na articles ko, ise - share ko sayo anu-ano ginawa ko para maovercome ang mga challenges ko nung naguumpisa pa lang ako. And hopefully makatulong sa networking career mo.
Kung may natutunan ka o may suggestions ka sa post na ito, dont forget to click like, share o mas maganda kung mag comment ka. Let me know what you think. If you have questions, just type them on the comment section and I will try my best na masagot yun with the help of our fellow pinoy networkers.
Click the button below to learn how to earn extra income gamit ang internet for FREE!
No comments:
Post a Comment